Turismo sa Lalawigan ng Batanes
© Paul Cuenca
|
Isa sa mga kayamanan ng Pilipinas sa larangan ng turismo ay ang Batanes, ito ay maituturing na paraiso, dahil dito lamang makikita ang mga kakaibang lugar, kultura, kalikasan, simpleng pamumuhay na walang polusyon, at halos walang krimen.
Tungkol sa Bataan
Ang Batanes ay isang lalawigan sa hilagang Luzon na
kabilang sa Rehiyon II at pinakahilaga sa buong Luzon. Binubuo ito ng mga pulo
ng Batan, Sabtang, Itbayat at ipa pang maliliit na isla.
© Google Maps
|
Ang kanilang wikang Ivatan ay namumukod-tangi
dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas na hindi katulad ng isang tipikal
na wika sa Pilipinas, bagamat may pagkakahawig naman ang Ivatan sa ibang mga
wika sa hilagang Luzon, tulad ng Ilokano at Ibanag.
Kasama ang Basco, ang maliit na lalawigan ng
Batanes ay binubuo ng anim na bayan, ang Itbayat, Ivana, Mahatao, Sabtang at
Uyugan. Ang mga isla ay napapalibutan ng malawak na katubigan ng Bashi Channel
at Balintang Channel, ang tagpuan ng karagatang Pasipiko at Dagat Tsina.
Ang lugar na ito ang pangunahing
daanang-pantubig ng Pilipinas, Japan, China, Hong Kong at Taiwan. Mayaman
ito sa yamag-dagat, kabilang na ang pinakapambihirang coral sa mundo.
Bagamat napakalayo at mahal ang transportation patungo sa Batanes, sulit na
sulit naman ang pagtungo rito sa kahanga-hanga at kaakit-akit na mga tanawin sa
lalawigan.
© traveltrilogy.com |
Mga katangi-tanging tanawin sa Bataan
Ang mga tanawin sa kabundukan, dagat at
kapaligiran ay tiyak na papawi sa kapaguran sa masalimuot na pamumuhay sa
siyudad. Kakaunti ang tao, mabibilang ang de-makinang sasakyan, mga bahay na
gawa sa bato, at magiliw ang mga Ivatan sa mga bisita.
Ang mainam na panahon ng pagpunta rito ay
tuwing kalagitnaan ng Marso hanggang Hunyo at kung “Indian Summer” na
kadalasang nag-uumpisa ng Setyembre. Kung minsan, pinakamaagang nag-uumpisa ang
magandang panahon pagpasok ng Pebrero na tumatagal hanggang Hulyo.
© traveltrilogy.com |
Ang flora at fauna sa Batanes ay sadyang
katangi-tangi at doon lamang matatagpuan. Maraming species ng mga hayop at
halaman na doon din lamang makikita. Sadya ring kakaiba ang mga tanawin doon,
tulad ng Mt. Riposed, Mt. Iraya, Mt. Matarem, Rapang du Kavuyasan, Mt.
Karobooban at ang mga dalampasigan ng Duvek Bay, Vuhos Marine Reserve at Tukon
Hedgerows.
© traveltrilogy.com |
© traveltrilogy.com |
ano po ang mga batas na nagpahintulot sa pagiging lalawigan ng batanes po? thanks
ReplyDelete