Ang Barong Bulacan
© iOrbit News |
Naging tanyag ang pagsuot ng
barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa
karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon, kabilang na dito ang pagluklok
sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Naging opisyal na pambansang kasuotan ang
barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1975.
Tungkol sa Bulacan
© Wikipedia |
Barong Tagalog/Bulacan
Ang Barong ay isang pormal na
kasuotang ginagamit ng mga Pilipino tuwing may mga okasyon.. Ito ay mas kilala
sa pangalang "barong" na mula sa salitang "baro" na ang
ibig sabihin ay damit o "dress."
Ang Barong Tagalog ay gawa sa mga
iba't - ibang materyales na tinatawag na "jusi" na mula sa balat ng
saging. May mga Barong Tagalog din na
gawa sa balat ng pinya. Ito ay ang mga
barong na tinatawag ng karamihan na "piña barong." Ang mga materyales
na ito ay hinahabi para makagawa ng telang pambarong.
Ang tuntunin na ito ay may
praktikal at kagamitang pansosyal. Lahat
ng materyales na ginagamit sa paggawa ng barong ay kinakailangang manipis na
halos makita ang katawan ng nagsusuot.
Ang dahilan nito ay para maiwasan ng mga Pilipino ang magtago ng anumang
sandatang puwedeng magamit laban sa mga kastila. Ipinagbawal din ang paglagay
ng mga bulsa. Ang patakarang ito ay
naghubog sa kasalukuyang disenyo at itsura ng barong.
© Wikipedia |
Comments
Post a Comment