Ang Tapa ng Masbate

© Pepper

Karaniwang makikita ang mga malilit na mga tapsihan sa bawat barangay ngunit may mga malalaking mga negosyo ang nagtitinda din ng tapsilog katulad ng Tapa King at Goto King. Nagtitinda din ng tapsilog kahit ang mga malalaking fast food katulad ng Jollibee at McDonald's sa kanilang mga almusal sa Pilipinas. Ngunit sa  Masbate ang kanila'y tinatanyag.

Tungkol sa Masbate


Ang Masbate, opisyal na Lalawigan ng Masbate ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Bikol. Binubuo ang lalawigan ng tatlong pangunahing mga pulo: Pulo ng Masbate, Ticao at Pulo ng Burias. Napagigitnaan ang lalawigan ng dalawang pangunahing mga pulo ng Pilipinas, sa timog ng pulo ng Luzon at ng mga kapuluan ng Kabisayaan. Pulitikal na kabahagi ng Kabikulan ang lalawigan subalit higit na malapit ang pagkakaugnay ng pulo sa Kabisayaan kung ang pagbabatayan ang bioheograpikal at pagkakalapit ng wika dito.

© Wikipedia

Ang Katanyag-tanyag na Tapa

©  Kawaling Pinoy
Ang tapa o pindang ay isang popular na ulam sa Pilipinas. Kadalasaang itong mga maninipis na hiwa ng tinuyong laman ng baka ngunit maari ding itapa ang ibang karne o isda. Karaniwan ay pinapang-almusal o pang-agahan ito kasama ng sinangag na kanin. 

© Nestlé Wellness Club
din itong kainin kasama ng itlog, na maaaring pinrito, pinaalat, o kung-ano pa, kamatis, o ng suka. Hinango ang salitang "tapa" mula sa salitang Kastila na tapas, mga pagkaing merienda na nagmula bilang panakip (tapa) ng mga inumin upang hindi langawin. Ginagawang tapa rin ang karne ng usa. Karaniwang panimpla sa paghahanda ng mga tinatapa o tinutuyong (isang proseso tinatawag ding "paggamot" sa) karne ang asin at suka.

Comments

Popular posts from this blog

Turismo sa Lalawigan ng Batanes

Mga Sari-Saring Pagkaing Produkto ng Quezon

Kapeng Barako ng Batangas