Posts

Showing posts from October, 2018

Ang Tapa ng Masbate

Image
© Pepper Karaniwang makikita ang mga malilit na mga tapsihan sa bawat barangay ngunit may mga malalaking mga negosyo ang nagtitinda din ng tapsilog katulad ng Tapa King at Goto King. Nagtitinda din ng tapsilog kahit ang mga malalaking fast food katulad ng Jollibee at McDonald's sa kanilang mga almusal sa Pilipinas. Ngunit sa  Masbate ang kanila'y tinatanyag. Tungkol sa Masbate Ang Masbate, opisyal na Lalawigan ng Masbate ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Bikol. Binubuo ang lalawigan ng tatlong pangunahing mga pulo: Pulo ng Masbate, Ticao at Pulo ng Burias. Napagigitnaan ang lalawigan ng dalawang pangunahing mga pulo ng Pilipinas, sa timog ng pulo ng Luzon at ng mga kapuluan ng Kabisayaan. Pulitikal na kabahagi ng Kabikulan ang lalawigan subalit higit na malapit ang pagkakaugnay ng pulo sa Kabisayaan kung ang pagbabatayan ang bioheograpikal at pagkakalapit ng wika dito. © Wikipedia Ang Katanyag-tanyag na Tapa ©  Kawalin

Kapeng Barako ng Batangas

Image
© Flickr Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica, subalit ginagamit din ang pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang salitang "barako" mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop. Tungkol sa Batangas © Wikipedia Ang Batangas (pagbigkas: ba•táng•gas) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng CALABARZON. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island Passages sa timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina. Ang tapang nang Barako © Google Images Noong kalagitnaan ng Dekada '90 tinamaan ng sakit na "Hemileia vastatrix" ang mga plantasyon ng kape sa Pilipinas na nagdulot sa pabagksak n

Ang Barong Bulacan

Image
© iOrbit News Naging tanyag ang pagsuot ng barong sa pamamagitan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, na sinusuot ito sa karamihan ng opisyal at pansariling mga okasyon, kabilang na dito ang pagluklok sa kanya bilang pangulo ng Pilipinas. Naging opisyal na pambansang kasuotan ang barong sa isang kautusan mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1975. Tungkol sa Bulacan © Wikipedia Ang Bulakan ay isa sa mga lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Region 3 o Gitnang Luzon. Mayroon itong tatlong lungsod, San Jose del Monte, Malolos na siyang kabisera nito at Meycauayan. Matatagpuan ang Bulacan sa hilaga ng Kalakhang Maynila. Ang iba pang mga lalawigang nakapaligid sa Bulacan ay ang Pampanga sa kanluran, Nueva Ecija sa hilaga, Aurora at Quezon sa silangan, at Rizal sa timog. Barong Tagalog/Bulacan © Town and Country PH Ang Barong ay isang pormal na kasuotang ginagamit ng mga Pilipino tuwing may mga okasyon.. Ito ay mas kilala sa pangalang "

Mga Sari-Saring Pagkaing Produkto ng Quezon

Image
© Gene Rose Imphang Tungkol sa Quezon © Wikipedia Pinalilibutan ito ng mga lalawigan ng Aurora sa hilaga, Bulacan, Rizal, Laguna at Batangas sa kanluran, at ang Camarines Norte at Camarines Sur sa silangan. Ang bahagi ng Quezon ay namamalagi sa isang dalahikan na nagdurugtong ng Tangway ng Bicol sa pangunahing bahagi ng Luzon. Kabilang din sa lalawigang ito ang mga pulo ng Polilio sa Dagat ng Pilipinas. Ang mga produkto ng Quezon © Yahoo! News Labing dalawang mga pangunahing produkto at bilihin sa lalawigan ng Quezon ang kasama sa “commodities recommend management needs assessment” na nakatakdang isagawa ng Bureau of Agricultural Statistics (BAS)2 produkto ay kinabibilangan ng palay/bigas, mais, kamoteng kahoy, kamote, kalabasa, talong, ampalaya, carrots, saging, kalamansi, baboy at bisugo. Karamihan sa mga produktong ito ay inaani at ipinagbibili sa mga merkado sa lalalawigan habang ang iba naman ay ibinebenta sa mga karatig-probinsiya at maging sa Metro Manila

Turismo sa Lalawigan ng Batanes

Image
© Paul Cuenca Isa sa mga kayamanan ng Pilipinas sa larangan ng turismo ay ang Batanes, ito ay maituturing na paraiso, dahil dito lamang makikita ang mga kakaibang lugar, kultura, kalikasan, simpleng pamumuhay na walang polusyon, at halos walang krimen. Tungkol sa Bataan  Ang Batanes ay isang lalawigan sa hilagang Luzon na kabilang sa Rehiyon II at pinakahilaga sa buong Luzon. Binubuo ito ng mga pulo ng Batan, Sabtang, Itbayat at ipa pang maliliit na isla. © Google Maps  Ivatan ang tawag sa kultura ng mga taga-Batanes na itinuturing na pinakamatanda sa Pilipinas. Sa kasaysayan, ang mga ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling pa sa timog ng Taiwan at ang Batanes ay ginawang tulay para makarating sa iba pang mga bansa na gaya ng Indonesia.  Ang kanilang wikang Ivatan ay namumukod-tangi dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas na hindi katulad ng isang tipikal na wika sa Pilipinas, bagamat may pagkakahawig naman ang Ivatan sa ibang mga wika sa hilagang Luz